Questions · Tanong sa Pasko
Mga tanong sa Pasko, habang hinihintay ang hatinggabi
Mula Simbang Gabi hanggang Noche Buena, maraming oras na magkakasama ang pamilya at barkada. Mga tanong para sa paghihintay ng hatinggabi, para sa Christmas party, at para sa pasasalamat bago matapos ang taon.
- 16 tanong
- EN + TL sa bawat card
- Libre sa app
Kumustahan is a bilingual conversation card app: 1,200 questions in English and Filipino across 7 decks, with a short reflection on the back of every card.
Kailan huling naging magandang memory yung isang meal?
When was the last time a meal became a good memory?
Hindi lang pagkain ang laman ng good meal memory. Pwedeng timing, kasama, o yung feeling sa paligid ng table.
A good meal memory is rarely only about food. It can be the timing, the people, or the feeling around the table.
Ang mga tanong
16 tanong para sa Pasko
Bawat tanong sa Filipino at English, kuha mismo sa mga deck ng Kumustahan. Buksan ang “Back of the card” para sa reflection sa likod.
Habang hinihintay ang Noche Buena
6 tanong
Tungkol sa pagkain at sa bahay, pang-buong pamilya.
-
Pumili ng isang pagkain na mas masarap kapag tira siya hanggang kinabukasan.
Choose one food that tastes better when it’s left over for the next day.
Back of the card
May pagkain talaga na mas gumaganda kinabukasan. Simple lang siya, practical, pero minsan mas panalo pa.
Some food needs an overnight plot twist. Leftovers can be humble, practical, and somehow better than round one.
-
Sabihin mo yung pagkain na mas masarap kapag libre.
Name a food that tastes better when it's free.
Back of the card
May sariling sarap ang libreng pagkain. Minsan yung best flavor, yung small joy na hindi ikaw ang nagbayad.
Free food has its own seasoning. Sometimes the best flavor is the tiny thrill of not paying for it.
-
Tapusin ito: Mas special ang childhood merienda kapag...
Finish this: Childhood merienda feels extra special when...
Back of the card
Maliit lang ang merienda memories, pero may dala silang buong hapon. Isang kagat lang, may bumabalik agad na lugar, tao, o feeling.
Merienda memories are small, but they can carry whole afternoons with them. One bite can bring back a place, a person, or a mood.
-
Kailan huling naging magandang memory yung isang meal?
When was the last time a meal became a good memory?
Back of the card
Hindi lang pagkain ang laman ng good meal memory. Pwedeng timing, kasama, o yung feeling sa paligid ng table.
A good meal memory is rarely only about food. It can be the timing, the people, or the feeling around the table.
-
Sabihin yung topic na kayang pag-usapan forever ng family o friends mo.
Name a topic your family or friends can discuss forever.
Back of the card
May topic talaga na ayaw matapos. Paulit-ulit bumabalik kasi laging may dagdag na kwento ang bawat isa.
Every group has a topic that refuses to end. It keeps coming back because everyone has one more detail to add.
-
Anong everyday sound ang nagpapaalala agad sa'yo ng home?
Which everyday sound reminds you of home right away?
Back of the card
Hindi laging lugar agad ang home. Minsan sound siya na kilala mo na bago mo pa isipin.
Home is not always a place first. Sometimes it is a sound you recognize before you even think about it.
Pang-Christmas party
5 tanong
Para sa opisina, klase at barkada, bago ang exchange gift.
-
Gumawa ng bagong holiday na puwedeng i-celebrate ng lahat. Ano ang ginagawa sa araw na iyon?
Create a new holiday that everyone gets to celebrate. What happens that day?
Back of the card
Anong tradisyon ang bagay sa holiday mo?
What tradition would belong to your holiday?
-
I-pitch ang useless invention na bibilhin mo pa rin.
Pitch one useless invention you would still buy.
Back of the card
May useless invention na gets pa rin ang puso mo. Hindi laging usefulness ang point; minsan delight lang.
A useless invention can still understand your heart. Sometimes the appeal is not usefulness, just delight.
-
Dalawa lang: unlimited snacks o perfect sleep for one week. I-defend ang pick mo.
Two choices: unlimited snacks or perfect sleep for one week. Defend your pick.
Back of the card
Kahit low-stakes, may priorities pa rin. Snack joy at good sleep, parehong valid campaign platform.
Low-stakes choices still reveal priorities. Snack joy and good sleep are both valid campaign platforms.
-
May group photo na. Ano ang automatic move mo?
Group photo starts. What is your automatic move?
Back of the card
May automatic instinct kapag group photo na. May taga-ayos, may nagtatago sa likod, may ready bago pa yung camera.
Group photos bring out instant instincts. Some people arrange everyone, some disappear behind others, and some are ready before the camera is.
-
Kung mapapahiram mo ng superpower ang isang tao nang isang araw, anong power ang ibibigay mo?
If you could lend someone a superpower for one day, what power would you give?
Back of the card
Isipin ang unang reaction nila kapag sinubukan ang hiniram na power.
Imagine their first reaction when they try the borrowed power.
Pasasalamat
5 tanong
Para sa huling bahagi ng gabi, o pagkatapos ng Simbang Gabi.
-
Kailan may taong nagpaalala sa'yo ng kindness ni Lord recently?
When did someone remind you of God's kindness recently?
Back of the card
Puwedeng dumating ang kindness ni Lord through people. Kapag naalala mo yung moments na yun, mas nagiging concrete ang gratitude.
God's kindness can reach us through people. Remembering those moments can make gratitude more concrete.
-
Anong magandang ginawa sa'yo lately ang hindi mo inaasahan?
What is a recent act of kindness that caught you by surprise?
Back of the card
Puwedeng itago ang mga pangalan. Balikan ang sandaling naisip mo kung ano ang ginawa nila para sa'yo.
Keep names private if you like. Picture the instant you realized what they had done for you.
-
Anong small kindness mula sa ibang tao ang napapansin mo agad?
Which small kindness from other people do you notice right away?
Back of the card
Puwedeng may nag-check in, nagtira ng seat, tumulong quietly, o nakaalala ng small detail. Baka yung kindness na napapansin mo ang kind na kinailangan mo dati.
It could be someone checking in, saving you a seat, helping quietly, or remembering a small detail. The kindness you notice may be the kind you needed before.
-
Anong nagawa mo kamakailan ang ikinatuwa mo?
What have you done recently that you are pleased about?
Back of the card
Kung may maliit na trophy ang nagawa mo, ano ang nakasulat dito?
If your win had a tiny trophy, what would be written on it?
-
Ikuwento yung pagkain na nagpapaalala sa'yo ng alaga ng isang tao.
Tell us about a food that reminds you of someone taking care of you.
Back of the card
Kayang magdala ng care ang pagkain kahit walang malaking salita. Minsan yung simpleng pag-alaga sa pagkain, nagiging memory na.
Food can carry care without needing big words. Sometimes the simple act of feeding someone well becomes a memory by itself.
Paano gamitin
Bago ka magtanong
Ang Paskong Pilipino ay mahaba: Christmas songs mula Setyembre, Simbang Gabi, sunod-sunod na Christmas party, at Noche Buena na hinihintay hanggang hatinggabi. Maraming oras na magkakasama, pero madalas ay nakatutok ang lahat sa phone o sa TV hanggang tumunog ang alas-dose.
Ang unang grupo ay para sa paghihintay sa Noche Buena: tungkol sa pagkaing mas masarap kinabukasan (oo, ang hamon), sa merienda ng pagkabata, at sa kainang naging magandang alaala. Ang ikalawa ay pang-Christmas party, bago o pagkatapos ng exchange gift: useless invention na bibilhin mo pa rin, bagong holiday na iimbentuhin mo. Ang huli ay para sa pasasalamat, kapag pagod na ang lahat pero ayaw pang matulog.
Kung may kapamilyang nasa abroad, isama sila sa video call at hayaan silang sumagot muna. Para sa mas maraming tanong ng pamilya, tingnan ang tanong para sa pamilya. Every card is bilingual, for the cousins who grew up abroad.
Bagay sa
Mga tip
- Sa Noche Buena, isang tanong bawat ulam na inilalapag. Natural ang takbo.
- Sa Christmas party, ilagay ang mga card sa loob ng exchange gift. Sasagutin ng nakatanggap.
- Hayaang si Lolo o Lola ang unang sumagot sa mga tanong tungkol sa pagkain at bahay.
- Iwasan ang tanong tungkol sa jowa at kasal sa mesa. Pasko ito, hindi interogasyon.
- Bago matulog, isang tanong ng pasasalamat para sa lahat.
Mga deck para dito
Tanong sa Pasko
Mga madalas itanong
Ano ang magandang itanong sa Pasko?
Mga tanong tungkol sa pagkain, sa bahay at sa mga alaala ng Pasko, tulad ng anong pagkain ang mas masarap kinabukasan o anong kainan ang naging magandang alaala. Sa dulo ng gabi, isang tanong ng pasasalamat.
Ano ang puwedeng laro sa Christmas party?
Maglagay ng tanong sa bawat exchange gift, o gawing pass-the-card ang mga tanong mula sa grupong pang-Christmas party. Mabilis, magaan, at ligtas sa opisina at klase.
Paano gawing mas masaya ang Noche Buena?
Habang hinihintay ang hatinggabi, magtanong ng isang bagay na lahat ay may sagot, tulad ng pagkaing laging hinahanap tuwing Pasko, at hayaang magkuwento ang matatanda.
Libre ba ang mga tanong?
Oo. Libreng cards sila sa Kumustahan app, may English at Filipino.
Bring a better question to the table.
Free on iPhone and Android. 420 cards free, no account, works offline.