Questions · Tanong sa road trip
Mga tanong sa road trip para hindi lang playlist ang kasama
Limang oras pauwi ng probinsya, tatlong oras sa traffic bago pa makalabas ng Maynila, o road trip ng barkada papuntang Baguio. Mga tanong para sa simula ng byahe, para sa traffic, para sa mahabang kalsada, at para sa pag-uwing pagod na ang lahat.
- 16 tanong
- EN + TL sa bawat card
- Libre sa app
Kumustahan is a bilingual conversation card app: 1,200 questions in English and Filipino across 7 decks, with a short reflection on the back of every card.
Ikuwento yung lugar na may iniwang memory o feeling na dala mo pa rin.
Tell us about a place that left a memory or feeling you still carry.
May mga lugar na tahimik lang ang iniiwan sa atin. Hindi mo agad napapansin, pero may dala ka pala mula roon.
Some places stay with us quietly. You may not notice it right away, but later you realize you carried something from there.
Ang mga tanong
16 tanong para sa byahe
Bawat tanong sa Filipino at English, kuha mismo sa mga deck ng Kumustahan. Buksan ang “Back of the card” para sa reflection sa likod.
Unang oras ng byahe
3 tanong
Habang may energy pa at may baon pa.
-
Sabihin yung small thing na lagi mong dala kahit quick errand lang.
Name the small thing you always bring, even for a quick errand.
Back of the card
Yung lagi mong dala, may reason yan. Maliit lang siya, pero clearly pasado sa trust test.
The thing you always bring has earned its place. It may be small, but it clearly passed the trust test.
-
Pick one snack na tatanggapin mo pa rin kahit busog ka na.
Pick one snack you would still accept even when you're already full.
Back of the card
May cravings talaga na malakas pa rin kahit busog. Yung snack na yan, alam kung saan ka mahina.
Some cravings stay charmingly powerful. The snack you still make room for usually knows exactly how to find your soft spot.
-
Kapag pagod na utak mo, ano yung go-to order mo?
When your brain is tired, what is your go-to order?
Back of the card
Respect sa reliable order. Lumalabas siya kapag ayaw mo nang mag-decide at gutom na rin ang nagsasalita.
The reliable order deserves respect. It shows up when decisions are too much and hunger is already making a case.
Para sa traffic
4 tanong
Kapag hindi gumagalaw ang sasakyan at ubos na ang chika.
-
Habang naghihintay ng pagkain, sasakyan, o late na tao, paano mo pinapalipas yung oras?
While waiting for food, a ride, or someone late, how do you pass the time?
Back of the card
Lumilitaw yung tiny survival style natin kapag naghihintay. May nag-scroll, may nag-oobserve, may gumagawa na ng kwento sa isip.
Waiting brings out our tiny survival styles. Some people scroll, some observe, and some start making stories in their head.
-
Kapag pumalpak ang plano ng gala, ano ang una mong ginagawa?
When a hangout plan goes wrong, what do you usually do first?
Back of the card
Puwede mong ikuwento ito na parang unang eksena ng comedy.
You could tell this as the opening scene of a comedy.
-
Kung kaya mong i-pause ang oras, kailan mo ito gagamitin?
If you could pause time, when would you use it?
Back of the card
Habang naka-pause, may mamadaliin ka bang gawin o mae-enjoy mo ang katahimikan?
During the pause, would you rush to do something or enjoy the quiet?
-
Kung may time button, alin ang pipiliin mo: i-pause ang isang abalang oras o ulitin ang paborito mong oras?
Which button would you rather have: pause a busy hour or replay a favorite hour?
Back of the card
Kailangan ng label ang button mo. Ano ang isusulat mo rito?
Your button needs a label. What would you write on it?
Sa mahabang kalsada
5 tanong
Para sa tanawin, sa mga lugar, at sa mga gustong puntahan.
-
Ikuwento yung lugar na may iniwang memory o feeling na dala mo pa rin.
Tell us about a place that left a memory or feeling you still carry.
Back of the card
May mga lugar na tahimik lang ang iniiwan sa atin. Hindi mo agad napapansin, pero may dala ka pala mula roon.
Some places stay with us quietly. You may not notice it right away, but later you realize you carried something from there.
-
Kapag nasa bagong lugar ka, ano yung isang maliit na bagay na una mong napapansin?
When you enter a new place, what’s one small thing you notice right away?
Back of the card
Minsan clue yung una mong napapansin kung ano ang nakaka-curious, nakakapagpakalma, o nagpapagaan ng pakiramdam mo.
What you notice first can hint at what makes a place feel interesting, calm, or welcoming to you.
-
May libre kang round-trip ticket. Saan ka pupunta?
You receive one free round-trip ticket. Where are you going first?
Back of the card
Pumili ng isang gusto mong gawin bago bumiyahe pauwi.
Choose one thing you would want to do before flying home.
-
Pumili ng malapit na lugar na gusto mong puntahan kasama ang friend.
Choose a nearby place you would like to explore with a friend.
Back of the card
Isipin na may makikita kang sulok doon na magiging paborito mo.
Imagine finding an unexpected favorite corner there.
-
Mag-imbento ng bagong paraan ng pagbiyahe na walang gulong.
Invent a new way to travel that does not use wheels.
Back of the card
Ano ang itatawag ng mga pasahero sa sasakyan mo?
What would passengers call your ride?
Pauwi na
4 tanong
Pagod, busog, at medyo sentimental.
-
Magkuwento ng pag-uwi kasama ang friends na naaalala mo pa.
Tell about a ride home with friends that you still remember.
Back of the card
Puwedeng balikan ang huling sinabi bago kayo naghiwa-hiwalay.
You could remember just the last thing someone said before you parted.
-
After ng main plan, which part ng hangout ang pinaka-enjoy mo?
After the main plan ends, which part of the hangout do you enjoy most?
Back of the card
Minsan yung after ng main plan ang nagiging totoong memory. Mas loose kasi, kaya mas madaling magka-kwento.
The after-plan part can become the real memory. Looser moments sometimes carry the easiest stories.
-
Anong kanta ang nagpapaalala sa'yo ng isang panahon ninyo ng friends mo?
Which song takes you back to a particular time with friends?
Back of the card
Isipin kung nasaan ang lahat noong tumugtog ang kanta.
Picture where everyone was when the song came on.
-
Ano ang nakakatulong sa'yo mag-settle after a full day?
What helps you settle down after a full day?
Back of the card
Mahalaga rin kung paano ka bumababa from a full day. Kahit maliit na ritual, puwedeng signal na safe nang magpahinga.
The way you come down from a full day matters. Small rituals can help your mind know it is safe to rest.
Paano gamitin
Bago ka magtanong
Sa road trip, tatlong bagay ang laging nauubos: baon, battery, at kuwento. Pagkatapos ng unang oras, playlist na lang ang nagsasalita at tulog na ang nasa likod. Hindi masama ’yon, pero ang byahe ang isa sa mga bihirang pagkakataon na magkakasama kayo nang ilang oras nang walang ibang mapupuntahan.
Ang mga tanong dito ay nakaayos ayon sa takbo ng byahe. Sa unang oras, ang mga magaan: ang maliit na bagay na lagi mong dala, ang snack na tatanggapin mo kahit busog ka na. Sa traffic, ang mga tanong tungkol sa paghihintay at sa mga planong pumapalpak (bagay na bagay). Sa mahabang kalsada, ang mga tanong tungkol sa lugar. Pauwi, ang mga tanong na medyo sentimental.
Ang driver ay hindi dapat ang nagbabasa ng phone. Ang katabi niya ang magbabasa, at puwedeng mag-pass ang driver kapag kailangan niyang mag-focus. For mixed-language car rides, read the English and the Filipino and let each person answer in theirs.
Bagay sa
Mga tip
- Ang katabi ng driver ang taga-basa. Bawal ang driver sa phone.
- Isang tanong bawat exit o bawat stopover. Natural ang ritmo.
- Sa traffic, gawing laro: bawat isa sasagot bago gumalaw ang sasakyan.
- Hayaang matulog ang gustong matulog. Hindi ito sapilitang activity.
- Itabi ang mga tanong na “pauwi na” sa huling oras. Iba ang lasa kapag pagod na.
Mga deck para dito
Tanong sa road trip
Mga madalas itanong
Ano ang magandang itanong sa road trip?
Mga tanong na bagay sa takbo ng byahe: tungkol sa baon sa simula, sa paghihintay habang traffic, sa mga lugar na dinadaanan, at sa mga alaala ng ibang byahe pauwi. Mas buhay ang byahe kapag may tanong bawat stopover.
Ano ang mga laro sa kotse para sa barkada?
Pass-the-question: ang katabi ng driver ang magbabasa ng tanong, at sunod-sunod na sasagot ang lahat. Puwede ring gawing would you rather ang mga tanong tungkol sa oras at byahe.
Paano hindi maburyo sa traffic?
Magtanong ng mga bagay na bagay sa sitwasyon, tulad ng paano mo pinapalipas ang oras habang naghihintay o ano ang una mong ginagawa kapag pumalpak ang plano. Nagiging biro ang inis.
Gumagana ba ang app nang walang signal?
Oo. Offline ang Kumustahan app, kaya gumagana kahit nasa bundok o walang signal. Libre ang mga card dito, may English at Filipino.
Bring a better question to the table.
Free on iPhone and Android. 420 cards free, no account, works offline.